Form para sa Karaingan at Mga Apela ng Miyembro
Pinahahalagahan namin ang inyong mga karapatan! Kung sa paniniwala ninyo ay nadiskrimina kayo, may karapatan kayong maghain ng karaingan sa Opisina para sa Mga Karapatang Sibil ng Departmento ng Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan (Department of Health Care Services, DHCS). Para sa karagdagang impormasyon o upang maghain ng reklamo, bisitahin ang kanilang website sa https://www.dhcs.ca.gov/discrimination-grievance-procedures o makipag-ugnayan sa kanila sa (916) 440-7370.
IBA PANG PARAAN UPANG MAGHAIN
Ang pagtawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro o paghahain online ang mga pinakamainam na paraan upang maghain ng kaso. Gayunpaman, maaari kayong maghain ng kaso gamit ang iba pang opsyon sa ibaba.
Maaari ninyong sagutan ang Form para sa Karaingan at Mga Apela ng Miyembro upang ilarawan ang inyong problema. Sabihin sa amin kung ano ang nangyari at kung paano kami makakatulong. Ipaliwanag kung bakit hindi kayo masaya sa inyong karanasan o kung bakit dapat aprubahan ang inyong benepisyo. Ipadala ang nasagutang Form para sa Karaingan at Mga Apela ng Miyembro sa Partnership upang ihain ang inyong kaso. Maaari ninyo itong ipadala sa pamamagitan ng mail o fax. Maaari din ninyong ihain ito nang personal o ibigay ito sa inyong doktor. Gamitin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa ibaba.
Koreo
Partnership HealthPlan of California
ATTN: Grievance & Appeals Department
4665 Business Center Drive, Fairfield, CA 94534
Fax
1-707-863-4351
Nang personal sa Tanggapan ng Partnership
Fairfield: 4665 Business Center Drive, Fairfield, CA 94534
Nang personal sa isang provider na may kontrata sa Partnership
Humiling na "maghain ng Karaingan o Apela"
Kung mayroon kayong problema sa mga serbisyong ibinibigay ng Carelon Behavioral Health, maaari kayong maghain ng karaingan sa Carelon sa pamamagitan ng pagtawag sa
(855) 371-8117.
Tumawag sa Opisina ng Ombudsman sa (888) 452-8609. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa (800) 952-8349. Available ang mga ito mula Lunes – Biyernes, 8 a.m. – 5 p.m., at sarado ang mga ito sa mga pista opisyal ng estado.